‘Peace Monument’ itinayo sa school ground ng PMMA sa Zambales



ZAMBALES -- Itinayo ang kauna-unahang “Peace Monument”  sa loob ng school ground ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA), isang maritime education institution na matatagpuan ito sa San Narciso, Zambales.


Maliban sa PMMA, isang peace marker din ang itinayo sa school ground ng Central Luzon State University noong nakaraang buwan.

Ang mga mag-aaral ng PMMA ay tinatawag na “midshipmen” o “kadete.” Sa kanilang pagtatapos, sila ay nakakomisyon sa Philippine Navy Reserve na may ranggo na Second Lieutenant, at binibigyan ng pagkakataong sumali sa Philippine Navy or sa Philippine Coast Guard.

Naitayo ang nasabing monumento ng kapayapaan noong Agust 15, 2022 dahil sa pakikipagtulungan ng Commission on Higher Education (CHED), Volunteer Individuals for Peace (VIP), Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) at PMMA.

Ang paglalagay ng peace marker ay proyekto ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang global-based non-government organization na aktibo sa pagsusulong ng programang-pangkapayapaan sa Pilipinas.

Ayon kay Ms. Rica Feliciano, Philippine-based communication officer ng HWPL, ang pagatatayo ng peace marker sa PMMA ay dinaluhan ng mga opisyal ng PMMA at probinsya ng Zambales.

Dumalo din sa nasabing “unveillng ceremony” sina Mayor La Rainne Abad-Sarmiento, Vice Mayor Richard Lance Ritual at ang kinatawan ni Governor Jun Ebdane Jr. na si Engr. Edwin Ebdane, ang provincial planning and development officer ng Zambales.

Masaya namang tinanggap ng mga opisyal ng PMMA, sa pangunguna ni Commodore Joel Abutal na siyang superintendent ng akademya, ang peace marker.

Kasama ni Commodore Abutal si Capt. Reynaldo Sabay, ang Assistant Superintendent for Academics, Training Research and Extension ng PMMA, sa nabanggit na seremonya.

Kinonsidera ni Capt. Sabay ang peace monument na isang "paalala sa araw-araw na ang kapayapaan ay narito at ang lahat ay dapat maging ambassador ng kapayapaan.”

Sa kanyang mensahe, inihayag naman ni Commodore Abutal ang maigting na pagsuporta sa proyektong pangkapayapaan.

Ayon pa kay Commodore Abutal, lahat ay dapat maging bahagi ng kanilang adbokasiya sa buhay ang kapayapaan para mapigilan ang digmaan or anumang labanan, kung saan ang mga sibilyan ang nagiging kawawa.

Bago pinasinayaan ang peace monument, nagsagawa ng “peace walk” ang mga opisyal at mga kadete ng PMMA, nagsindi ng mga kandila at nagpalipad ng mga lobo bilang simbolo ng kanilang pakikiisa sa kapayapaan.

Noong araw na yun, lumagda ng isang “Memorandum of Understanding” ang PMMA at HWPL, kung saan nagsang-ayon na magtutulungan sa pagtuturo ng peace education sa mga mag-aaral. (Manny D. Balbin)

MORE NEWS FROM OUR WEBSITE: rondabalita.net


Comments