RONDA BALITA - The Online and Print Team



PATULOY ang pag-arangkada ng RONDA BALITA, ang lingguhang pahayagan sa lalawigan ng Bulacan at maging sa mga karatig probinsiya sa Central Luzon. Abot narin nito sa ibat-ibang panig ng daigdig.

Mula nang inilunsad ito pitong taon na ang nakararaan, nagpatuloy ang naturang pahayagan sa paghatid ng mga sariwa at napapanahong mga balita dito sa Bulacan. At patuloy itong pinagkakatiwalaan ng mga mambabasa dahil sa balanse at walang kinikilingang mga balita.

Pasok na rin ang RONDA BALITA sa Korte na nagbibigay ng kapahintulutan na mag-publish ng mga resolusyon mula sa Pamahalaang Panlalawigan at mga munisipyo at lungsod.

Isa rin ang RONDA BALITA sa mga pahayagan dito sa Bulacan ang may “accreditation” mula sa Supreme Court na mag-publish ng mga judicial at legal notices, ordinances at mga notices of real property tax deliquencies.

Dahil sa pag-usad ng mundo at paggamit ng mga makabagong teknolohiya, inilunsad ng RONDA BALITA ang kanilang online edition, ang www.rondabalita.net.

Mas lumawak ang narating ng naturang online site dahil hindi lang ito sumentro sa mga balita sa Central Luzon kundi maging sa buong bansa.

Nasa tatlong taon na ang rondabalita.net at patuloy ang paglago nito at paglawak ng mga viewers at readers saan mang panig ng bansa.

Ang RONDA BALITA, print at online edition ay patuloy na maglilingkod sa masang Bulakenyo at maghahatid ng mga sariwang balita, maging sa print at online edisyon.

Patuloy ang aming pagbabalita, katuwang ang Publisher ng RONDA BALITA na si Boss JR at Thinne Villanueva, editor-in-chief at stringer ng Philippine News Agency (PNA) na si Manny D. Balbin, legal officer Atty. Julius Victor Degala at account manager at columnist Roseth Reyes.

Salamat sa walang sawang suporta sa aming mga hard hitting at batikang kolumnista at manunulat (print & online edition) na sina Vic Billones, Manny Dela Cruz, Thony Arcenal, (Pilipino Mirror, Channel 5), Omar Padilla (Pilipino Star NGAYON at Bulacan Tribune, Mon Lazaro (Philippine Star), Louie Angeles (DWIZ at Radio Bandera), Verna Santos, Rolando S. Gamoso (Ilocos Sur), Rudy Abular, (Pampanga), Beth Gelena (Showbiz) at mga kasama na tumulong sa RONDA BALITA na sina Johnny Mercado, Efren Alcantara at Daisy Medina, JC Reyes, Archie Jimenez at Neneth T. Hirano at mga namayapang sina Resty Salvador, Jhun Sese at editorial adviser Emil Gamos.

Gayundin sa mga online editors ng www.rondabalita.net na sina Utol Supremo Joel Bagay, Joelito SA Dela Peña at Maurice Vistan. (RONDA BALITA ONLINE  


Comments

Post a Comment