2 barangay tanod sa Malolos, huli sa shabu



LUNGSOD NG MALOLOS -- Nadakip sa magkahiwalay na buy-bust operations ang dalawang aktibong barangay tanod ng Guinhawa at San Gabriel kamakailan.

Ayon kay P/Lt. Col. Ferdinand Germino, acting Chief of Police ng City of Malolos, and operasyon ay naging matagumpay sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at ng kapulisan.

Sabi pa ni Germino, ang pagkakadakip sa 2 tanod ay bunsod na rin sa impormasyon at intelehensyang nakalap mula sa mga barangay.

Dahil dito, agaran naman ang naging aksyon ni Mayor Christian D. Natividad at agad nitong pinag-utos ang mandatory drug testing sa lahat ng opisyal ng mga barangay upang makasiguro na ang lahat ng kawani mula sa barangay tanod, mga konsehal hanggang sa kapitan ay walang anumang bahid ng droga.

Ayon pa sa alkalde, mahalagang magsilbing ehemplo ang mga opisyal ng barangay lalong lalo na ang mga halal, na mauna nang sumailalim sa mandatory drug testing .

Samantala, agaran ding pinagutos ni City Administrator Joel Eugenio ang drug testing sa hanay naman ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos. (RONDA BALITA Online: Manny D. Balbin

Comments